Bestfriend

ThugLine AC

Bestfriend By: ThugLine AC
BossTres x Symact

Verse 1: Bosstres

Teka aking bestfriend bakit ganito
Mga manliligaw mo sumusunod sayo
Nagtataka ako seryoso ba sila
Wala ka ba mapili kahit na isa

TagalogSongLyrics.com
Dahil kung wala pede ba ako nalang
Dahil mahal kita tinatago ko lang
Seryoso ito at yan ang totoo
Promise ko sayo di ako nagbibiro

Kung pagbabasehan ang pormahan ako ang lumalamang
Superhero mo syempre ako malamang
Nagtatayo sayo sa tuwing nadadapa
Syempre karamay mo sa hirap at ginhawa

Tayong dalawa ay meron pinagdaanan
Pero silang lahat ni isa ay wala yan
Wala sila karapatan manligaw sa iyo
Dahil ako ang natatanging nararapat sa iyo

Chorus:

Ikaw ang aking bestfriend
Di ko rin lubos isipin
Lahat ay aking hahamakin
Upang ikaw ay mapasakin

Verse 2: Symact

Teka lang naman sana makinig ka
Gusto ko lang pabatid na mahal kita
Pag gagawin ko yun akoy kinakabahan
Sa panung paraan ko ba sisimulan

Na sabihin ko sayo ang nadarama
Pero teka lang naman aaminin ba
Pag ginawa ko yun baka akoy sampalin
Takot lang ako na di mo sagutin


Dami mong taga hanga baka maunahan
Di ako mapera at walang kayaman
Kahit na ganun kaya kitang ipaglaban
Minahal kita ng di mo namalayan


Sa babae di ka makumpara
Ikaw ang dahilan ng aking pag saya
Dapat pabang sabihin malamang alam mo na
Na akoy nahulog na oo mahal kita

Chorus:

Ikaw ang aking bestfriend
Di ko rin lubos isipin
Lahat ay aking hahamakin
Upang ikaw ay mapasakin

Verse 3: Symact

Teka lang ulit sana makinig kapa
May sasabihin lang naman akong mahalaga
Katagang parang ayaw sabihin
Pero dati ko pa to gustong aminin


Wala naman kase diba akong magagawa pag umamin ako baka bigla kang mawala
Pag ginawa ko yun dalawa lang hahantungan
Sagutin mo ako o di kayay iwan


Ayoko naman na ako ay layuan
Ayoko din naman na ako ay iwanan
Basta ang alam ko lang talagang minahal kita
Kasalanan ko ba na biglaan ko tong nadama


Hindi naman diba diba, kaya wala akong pake
Basta sa buhay ko may ikaw na babae
Dapat paba sabihin malamang alam mo na
Na akoy nahulog na oo mahal kita

Chorus:

Ikaw ang aking bestfriend
Di ko rin lubos isipin
Lahat ay aking hahamakin
Upang ikaw ay mapasakin x2
Song Information
  • Composer: Bosstres x Symact
  • Year: 2018
Rate This Song
Share This Page

Add to Favorites