Tagpuan

Moira Delatorre


'Di, 'di ko inakalang
Darating din sa akin
Nu'ng ako'y nanalangin kay Bathala
Naubusan ng bakit
Bakit umalis nang walang sabi?
Bakit 'di siya lumaban kahit konti?
Bakit 'di maitama ang tadhana?
At nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nu'ng ako'y ituro mo
Siya ang panalangin ko
At hindi, 'di mapaliwanag
Ang nangyari sa akin
Saksi ang lahat ng tala
Sa iyong panalangin
Pa'no nasagot lahat ng bakit?
'Di makapaniwala sa nangyari
Pa'no mo naitama ang tadhana?
Nu'ng nakita kita sa tagpuan ni Bathala
May kinang sa mata na 'di maintindihan
Tumingin kung saan
Sinubukan kong lumisan
At tumigil ang mundo
Nu'ng ako'y ituro mo
At hindi ka lumayo
Nu'ng ako 'yung sumusuko
At nagbago ang mundo
Nu'ng ako'y pinaglaban mo
At tumigil ang mundo
Nu'ng ako'y pinili mo
Siya ang panalangin ko
Song Information
Songs by Moira Delatorre
Song Videos