Masyado Pang Maaga

Ben & Ben


Bakit ba ang hirap-hirap
Magsabi ng direcha'han
Di pagkakaunawaan
Pwede sanang pag-usapan

Tahan pwede pa bang malaman
Laman ng 'yong isipan
Para walang maling akala

Parang kay bilis
Ng 'yong pag-alis
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna
Sa'n nagkamali
Pwede bang bumawi
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna

Masyado pang maaga

Ano ba ang 'yong hinahanap
Nasa 'kin ba ang kasagutan
Pa'no natin malalaman
Kung laging nagsisisihan

Tahan pwede ko bang malaman
Laman ng 'yong isipan
Para walang maling akala

Parang kay bilis
Ng 'yong pag-alis
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna
Sa'n nagkamali
Pwede bang bumawi
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna

Masyado pang maaga
Para mawala ka
Masyado pa akong naniwala
Sa iyong pinangako na minahal kita
Higit pa sa sarili ko
Diyos ko

Bat di kita malimot
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna
San nagkamali pwede bang bumawi
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna

Sabing sandali ba't nagmadali
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna
Sa'n nagkamali pwede bang bumawi
Teka lang.. teka lang.. teka lang muna

Masyado pang maaga para mawala ka
Masyado pang maaga para mawala ka
Song Information
Album
Limasawa Street
Songs by Ben & Ben
Song Videos