Kung Ako'y Iiwan Mo

Angeline Quinto

Kung ako’y iiwan mo
Kung ako’y iiwan mo,
Sana’y dalhin mo rin ang puso ko
Na di rin titibok kundi sa’yo,
Ang kagandahan
TagalogSongLyrics.com
ng ating mundo
Dalhin mo rin paglisan mo.
Landas ng pag-iisa
Tatahakin ko, sinta,
Upang di mamasdan ang bagay na
Magpapasakit sa alaala,
Ngunit saan ako tutungo pa
Na di kita makikita?
Kung ako’y iiwan mo
Kung ako’y iiwan mo,
Matitiis ko ba
Muli pang mag-isa,
Kapag wala ka na
Aking sinta
Pa’no ang gabi kung di ka mamasdan?
At sa pagtulog ko’y pa’no kung di ka mahagkan?
At may umaga ba
Sa ki’y sisikat pa
Kapag wala ka na at di magisnan?
May pag-ibig pa kayang malalabi
Kapag ang daigdig ko’y iniwan mo at masawi?
May buhay pa kaya
Kapag ika’y wala?
Ang buhay ko kaya ay di madali?
Kung Ako’y Iiwan Mo
Song Information
  • Composer: George Canseco
  • Album: Kung Ako'y Iiwan Mo OST
  • Year: 2012
Rate This Song
Share This Page

Add to Favorites

Other Songs By Angeline Quinto